Suicide Note from Ms. Cherry Multi

by Ka Edong on August 1, 2012

Goodbye Cruel World!

You used to love me so much. Pinag-tiyagaan mong maka-ipon upang puntahan ako sa Makati Cinema Square. You swept me off my fee for just P5,000.

Tuwang tuwa ka pa sa akin, pinag-mamalaki mo ako sa mga friends mo. Na triple SIM ako. At may TV pa! Kahit hindi ka mahilig manuod ng TV, pakitang gilas ka tuwing hinuhugot mo ang antenna ko at nililipat ang channel sa pamamagitan ng pag alog sa akin.

Ganyan ka, hanggang alog ka lang!

Ilang SIM din ang dinalang-tao ko para sa iyo! Minsan ngay may triplet pa nga tayo! Sina Smart Infinity, Globe at Sun. Langya ka. Unti unti mong inalis sa akin ang mga SIM natin.

Kinarga ko lahat ng friends mo! Lahat sila, kahit yung mga panget! Nasa akin ang lahat ng impormasyon nila, leche!

Pero ang pinaka masakit nung kumuha ka ng Samsung Android phone. Sige, sa kanya na ang Sun SIM natin. okay lang. At least kasama pa rin kita, dala mo pa rin ako sa lahat ng lakad mo, dahil nasa akin pa si Smart Infinity.

Pero leche, kahit si Smart Infinity, kinuha mo na rin. Eh ano ngayon kung sexy yang si iPhone 4S? May TV ba siya?! Kaya ba niya mag-triple SIM? May Sushi game ba siya!?

Leche, lahat nalang kinuha mo na sa akin! Phonebook nalang ba ang silbi ko sa iyo!

At ano ito? Bakit tila kinokopya mo ang lahat ng contacts ng phone book ko? May masama kang binabalak, ano?! Aminin mo!

Kung ganyan rin lang, at wala na akong magiging silbi sa iyo, pangungunahan ko na. Goodbye na tayo sa isa’t isa. Habang may naiwan pa akong phonebook entries, magpapakamatay na ako! Bahala ka na sa buhay mo! Mag-sama kayo niyang iPhone mo at Android mo! Pakasaya ka! 

Phone Suicide: Ms. Cherry Multi (personality) is truly dead-bat and dead phone.

Phone Suicide: Ms. Cherry Multi (personality) is truly dead-bat and dead phone.

Ms. Multi (multiple personality) passed away on July 28 at the young age of 1 year, 10 months and 6 days. Her remains are at Funeraria La Loca, Araneta Ave. Prayers for the departed are appreciated.

Comments

Previous post:

Next post: