Google Chrome sa Filipino

by Ka Edong on September 8, 2008

Google Chrome

Google Chrome

 

Natuwa naman ako nung makita ko ang link sa Google Chrome naka-sulat sa Filipino. Nung una, akala ko yung mga pahina lang papunta sa installer ng Google Chrome ang naka-salin sa Filipino. 

Pero hindi lang iyon. Pati ang mga FAQs (Frequently Asked Questions) ng Google Chrome website ay naka-salin sa Filipino. 

Ngayong ginagamit ko na ang Google Chrome, ikinatutuwa ko na mayroon ding pag-salin sa luob ng Google Chrome mismo. Yung mga pagpipilian (menu) ng browser mismo ay naka-salin sa Filipino. 

Google Chrome sa Filipino

Ilang halimbawa ng pag-salin sa Filipino:  

  • Bagong Tab (New Tab)
  • Bagong window
  • Bago window na incognito
  • Lumikha ng mga shortcut sa application
  • Alisin (Cut)
  • Kopyahin (Copy)
  • Ilagay (Paste)
  • Hanapin sa pahina
  • I-save ang pahina bilang …
  • I-print
  • Bumubuo
  • Mag-ulat ng bug o nasirang website


Bagamat mas-sanay na ako sa pag-gamit ng linguwaheng Ingles sa computer, nais ko ring masubukan ang naka-salin sa Filipino na Google.  Nahirapan akong konti na maintindihan ang ibig sabihin ng ilang mga linya, pero kung pag-iisipan, makukuha rin ang ibig sabihin. :-) 
Heto ang isang halimbawa na nakapagpa-kunot ng aking nuo: 

Salamat para sa pagsubok ng Google Chrome!

1. Mag-click sa OK o I-save ang File sa window na lilitaw.

Wala kang nakikitang window? Mag-click dito.

2. Piliin ang Mga Pag-download mula sa menu ng Tools sa Firefox.

May lilitaw na isang window na nagpapakita ng iyong mga download.

3. Mag-double click sa produkto sa window ng Mga Pag-download.

Awtomatikong mag-i-install na ngayon ang iyong software. Kung kailangan mo ng tulong, mag-click dito.

 
Ang Google Chrome installer ay dapat na makukumpleto sa ilang mga segundo at awtomatikong simulan ang iyong bagong browser.

Sa kabila nito, mabuhay ang mga Pinoy na nag-lunsad nitong pag-salin ng Google Chrome sa Filipino! Mabuhay!
Ibang mga links: 
ka edong
Filipino

10 Features of Google Chrome Google Chrome announcement


 

The story behind Google Chrome

Incoming search terms:

Comments

Previous post:

Next post: